“ Chicken feet Dim Sum?” Parang kadiri pakinggan hindi ba? Ngunit ako’y na-inlove dito noong una ko itong natikman at hindi lamang iyan, na-love-at-first-sight pa! Haha. Maaaring ang iba sa inyo ay hindi ito alam kaya’t nais kong ipakilala ito sa inyo. Imagine, pati ba naman ang paa ng manok ay nagawa pang isang putahe! Nakakabilib!
Ang dim sum na ito ay matatagpuan sa mga Chinese restaurant. Ito ay medyo maanghang ngunit tamang tama lang ang lasa. Nadiskubre ko na meron din naman palang makukuhang laman sa paa ng manok. Oyster sauce, soy sauce, asukal, sake, paminta, bawang, sesame oil at black bean sauce ang ilan sa mga sangkap nito. Sigurado akong hindi lamang kayo masasarapan dito, mag-eenjoy pa kayo sa pagkain nito sapagkat sisipsipin ninyong mabuti ang mga buto hanggang sa ito’y masimot at nanamnamin n’yo ang lasa nito. Nam-nam! Oh diba, kumakain ka na nag-eenjoy ka pa! San ka pa? Katulad ko, alam kong hahanap-hanapin n’yo angpagkaing ito. Alam kong kayang kaya ng budget n’yo ang ganitong kasarap na pagkain. Sabi nga nila, sa Chinise restaurant daw ang may mas murang pagkain kumpara sa iba.
Kapag kayo’y badtrip, nalulumbay o emo, kain na ng Chicken feet! Magandang comfort food! Ano pang iniintay n’yo, try na! Kakaiba, kamangha-mangha, kay sarap- sarap!
No comments:
Post a Comment